Friday, June 17, 2005

TULA Para sa aking pinakamamahal Posted by Hello
Dula para sa iyo mahal ko


sa gitna ng kadiliman
naaaninag ko
ang iyong mga bisig at
ang hugis ng iyong hubog
sa gitna ng kadiliman
nauulinagan ko ang iyong paghinga
sabay ng pamaka makang singhot
at gitil ng iyong mga ngipin
sa gitna rin ng kadiliman
malayang kong nayayapos ang iyong baywang
at naidadampi ko ang aking mga labi
sa iyong pisngi at leeg
sa gitna ng kadiliman
ko nararamdaman
na ang mga pangyayaring to
ay maari lamang pagsaluhan
nating dalawa at walang sinuman ang makaka bahagi dito
sa gitna ng dilim
tumutibok ang aking puso,
na wari mo’y isang batang nagaabang ng tagulan
pagkatapos ng isang mainit na araw
sa gitna ng dilim
ikaw ang mahal ko ikaw ang nasa isip ko at ika’y akin lamang.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home