Friday, June 17, 2005

5 BUWAN

may 5 buwan ko na ring
pinagdidiwang ang araw na
pinadala ka ng langit sa akin
ang iyong bawat alaala
ang nagdudulot ng ngiti sa aking labi
at di ko napipigilang mapapikit
at makapag bunting hininga
sa labis na kasiyahan
na ibinibigay mo sa bawat araw na
ikaw ang nasa aking piling.
ang bawat bukas
ay inaabangan
ang bawat oras ay pinaghihinayangan
at ang bawat minuto ay pinagsasaluhan
sapagkat
ikaw ang ilaw ng aking gabi
ang kumot sa aking panlalamig
ang unan sa aking pag tulog
ang pagkain sa aking gutom
ang tubig sa aking pagkauhaw
at ang 5 mahiwagang buwan sa aking 26 na taon.
Posted by Hello

0 Comments:

Post a Comment

<< Home